Tuwang-tuwa ang gubyerno ng Estados Unidos kay Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noon, sa kabila ng karahasan sa mamamayan at nakawan sa kaban ng bayan ng kanyang diktadura.

Si Ferdinand Marcos Jr. kaya? Naiiba ba sa kanyang ama o pareho lang sila?

Pakinggan kung ano ang naganap noon at ihambing sa nagaganap ngayon, dito sa ika-19 sa serye ng maigsing dramang panradyo na unang inilabas ng Kodao noong 2001.

Muling inilalathala ito sa gitna na tumitinding presensiya ng militar ng US sa bansang Pilipinas bukod pa sa ibang pakana ng US tulad ng Pax Silica.

The post Tuta ng US ang ama noon, ganoon rin ba ang anak ngayon? appeared first on Kodao Productions.